I aM wHaT i Am tHe MiNd SeEs WhAt It WaNtS tO sEe

May 4th, 2006


POSTED AT 06:42 PM as a stickied post

Pagod na ako

gusto ko ng magpahinga


==================
at mabubuhay akong muli


June 7th, 2008

nakakapagod din pala
POSTED AT 07:37 PM

oo naiiyak ako ngayon..

siguro ang nakaraang isang linggo ay stressed talaga ako...parang pasan ko na ang mundo..hirap palang maging panganay at natatanging babae sa pamilya...tapos namatay pa nanay ko..nakakabwiset din na ginagawa mo na ang lahat ngunit parang hindi pa ito sapat...ang hirap...kalalabas pa lamang ng aking ama sa ospital dahil siya ay naoperahan dahil hindi siya makaihi ng maayos...pasan ko na siguro ang mundo..tapos ang dami pang gawain para sa darating na pasukan...

ngunit hindi ko kelangan sumuko...

ngunit nakakapagod na talaga...

paborito siguro ako ng Panginoon kung sa bigayan ng mga problema...ibang klase talaga siyang pumili ng taong bibigyan ng mga pagsubok...siguro kung sa iba eh nagpakamatay na sa stage kong ito..ngunit bakit ko sasayangin di ba...hayyy...kakaiba talaga...oo stressed ako pero kailangan kong harapin ang mga patong patong na responsibilidad sa aking tahanan at trabaho...siguro kung wala ako madaming mga buhay ang guguho...

kaya kailangan kong magpakatatag lalo...

kailangan....

kailangan mabuhay...

at ngumiti...

ngunit paumanhin na talaga sa aking matalik na kaibigan kasi hindi ko maaring puntahan ang kanyang lola na kamamatay lamang..kasi ayaw kong makakita muna ng isang patay na tao...baka bumagsak na ako...nakakapanlumo kasi ang eksena at naalala ko lamang ang aking ina...masakit sa mga panahong ito...pasensya na talaga...sana maunawaan niya ako...

paumanhin din sa mga nagbabasa ng aking blog kung meron man dahil puro mga hinanakit ang aking mga sinasabi...

 

outlet ko pa kasi ito...

 

maraming salamat sa pang-unawa.. 

 

 


Feeling: stressed


April 27th, 2008

Goodbye my nanay
POSTED AT 05:53 PM

There was she sitting and sleeping on a wheel chair at room 59 at Mt. Carmel General Hospital...The usual gesture she had for about 9 days since she entered on April 2.

We just arrived from the DSWD for the social case study to ask assistance from the governor and PCSO for her hospitalization. We dont have any other means. Our bakery stopped its operation since mom was confined and I dont have any salary during summer breaks. I am a teacher and our salary is only from June to April15.

The usual scene. My bro jinx is asleep because he's in duty to look for mom in the evening and ben, our youngest brother took charge at around 5pm. I was with dad at home to arrange our things; getting ready for the "expected coming".

But I was not expecting it to happen... Nurse JM went in for the medicines. He usually waits for me and sees to it that mom will take her meds. I told Ben to get the other meds at the pharmacy. There's no ensure chocolate milk on her cup. So I washed her used cup first. Put the sapang (a herbal drink for the good flow of blood and energy booster) on the cup. Went to the next cabinet to open a new pack of ensure. Then I remember its Friday. I dont know why it came into my mind. Then I dropped two heaps of ensure and a quarter of sugar. Nurse JM handed me the medicines while I mixed the milk. I opened the wrapper of the medicine. Got a piece of it on my hand.

Then I pat my mom to wake her up. I said "Nay, inom ka na ng gamot". She did not respond at once. She usually respond at the second call. Then i said "Nay? Nay" She really didnt respond.

My heart beat faster. My body shivered. Then i checked her nails. Its pale. Then Nurse JM checked, "Ma'am gising po kayo." Then he checked her pulse. Then he rushed to the nurse station. My dad was calm and just continued arranging the letters we had at DSWD. Ben came in.

Then I started crying. I am really shivering. Dad was alarmed. He woke up Jinky. This is the day. The senior nurse came in. They called up a staff for the ECG.

My bro jinx and ben recalled it because I was not looking at it. They saw a flat line. It was confirmed. My whole body went cold.

They put my mom on the bed. Washed her with alcohol. Changed her clothes. Wrapped her in a white blanket. She's gray. Her mouth is still open. Her hands on top of each other. Her eyes barely close.

Our world stopped.  

Good bye mom. We have to let go of you. For your peace. Now there's no pain.

We really love you..and will surely miss your laughters.

You are a real fighter till the end. for almost 6 years of pain except for your Luekemia when you were younger, you've struggling for us.

I will really miss you. Dad will miss you. Jinky, Jon and Ben will miss you.

 

 

 

 

 


Feeling: sad


April 8th, 2008

An ode to my nanay
POSTED AT 05:43 PM

April 3, 2008

 

Today’s my dad’s birthday but this is ode isn’t for him. This is for my mom, my nanay. DAhil di ako makatulog kahit 11:24pm na dilat pa rin mata ko..So here it goes…

 

Yan si nanay, si Genoveva Tañada Veran eh anak ni Rosita at Casto Tañada…oo relative nila ang former Senator Lorenzo Tañada…ay sobrang taray kaya inisip ko noong maliit pa ako eh itong si “Eva” eh inampon lang ako. Hindi ko naiintindihan na nasa menopausal period na sya noon. Matanda na kasi syang nag-asawa, mga around 35 years old. Kasi pinagbawal siyang magkanobyo o magpakasal kasi sakitin sya. In fact, nagkaron sya ng Leukemia noong bata pa sya. Kaya eto kami kahit mejo bata pa eh ayun 61 years old na sya at ang bunso naming kapatid na si Ben eh nag-aaral pa ng kolehiyo.

 

Pero kinalaunan eh naging close kami ni nanay pero hindi sa tipong pede na akong magka-boyfriend. Malaking kasalanan un. Kasi bata pa daw ako at madami pa akong dapat matutunan. NAalala ko nung may camera pa kami, nagpapicture kami dalawa. Kami lang dalawa. Parehong nakapambahay. Kahit hanggang ngaun hilig pa rin nyang magpa-picture gamit cellphone ko. Artistahin kasi.

 

Grabeng sobrang sipag n’yan. Mahal na mahal nga kami ni Nanay eh kahit galing siya sa duty na kahit OT sya eh pagdating sa bahay eh maglalaba pa yan o kahit magbababad ng damit namin kasi wala kaming susuuting uniform. Tapos tuwing umaga pinagluluto kami ni nay ng ulam. Na minsan inookray naming kasi di masyadong masarap kasi nung nagkasawa na lamang naman sya natutong magluto eh.

 

Naalala ko nung nagkwentuhan kami ni nay nung may boses pa sya. Lumaki daw sya eh Lola Fe. Dun lagi syang kasama sa simbahan, nagdarasal, lagging kulong sa bahay kasi nga sakitin. Mahigpit din daw si Lola Osing (nanay nya) na dapat alam ang gawaing bahay. Pero spoiled daw sya ke Lolo Casto (tatay nya), pinag-aral daw sya sa Manila, ibinibili ng magagandang damit na terno pa (uso kasi sya noon) at ipinapasyal kung saan-saan. Siguro dahil first time nyang lumabas, isipin nyo may leukaemia di ba?

 

Naikwento nga rin ni nay tungkol sa pag-aasawa nya eh. Kasi naikwento ko na baka malapit na akong mag-asawa, meeting may boyfriend Gino eh I cant wish anything from him na. Naikwento nya na ang pag-aasawa eh dapat pinag-iisipang mabuti. Kasi nun hindi sila nakapag-paalam ng mabuti bago ikasal dahil matatanda na sila nung ikasal eh aun nagsarili na sila. Hindi kasi nila masyadong tanggap si tatay eh. The big reason na ayaw pa nila si nanay mag-asawa eh dahil may sakit sya. Pero kinalaunan naman, sa awa ng Diyos, aun natanggap na rin nila si tay. Dami pa nyang sinabi tungkol sa pag-aasawa. Gaya ng dapat ang mag-asawa nakikinig sa isa’t isa, na dapat nag-uusap. Kapag mainit ang ulo ng isa eh huwag ng sabayan. Ang babae o ang ina ang siyang lagging nakakaunawa pero masama din naman ang lalaki eh lagging mainit ang ulo at baringot. Di na daw magiging healthy ang relationship nun. Dapat din lagging subaybayan ang mga anak.

 

Natatandaan ko pa, sabi nya na hanggat dalaga pa ako eh maging masaya ako. Pumunta sa ibat ibang lugar. Layas din kasi yan si nay. Marunong nga yan si nay mag-gitara. Na nakuha ng mga kapatid ko pero ako…hehehe…wlang alam sa mga instruments.

 

Pero alam nyo ba na kahit simple ang buhay namin ay hindi sya nakalimot na tumulong sa ibang tao. Noong nasa ER at nasa OR/nursery pa sya, eh dami nyang tinutulungan ng pasyente. Kung makakuha ng “charity” na kita naman nyang hikahos eh tutulungan nya kahit nurse/midwife lang sya. Extra care at attention binibigay nya sa mga pasyente nya tulad ng kahit galing sya sa paghohorno ng tinapay (kasi un dati naming business) eh paliliguan pa nya ung mga babies.

 

Kilala si nanay na masayahin at energetic na tao. Niloloko pa nga sya na may ari ng ospital (Mt. Carmel) kasi kilala nya halos lahat ng doctor at iba pang empleyado sa ospital. TAwag nga sa kanya eh Ate o Tita Eva ng kanyang mga katrabaho maging ang mga doctor o pari o madre na kasamahan nila.

 

Siguro nga mataray sya minsan pero sa dami ng mga taong tumatawang na ate o tita sa kanya, I doubt she’s been rude to them. I know my mom has a very good heart and good soul. She even fought for her illness…breast/bone cancer without any complaints from above. She’s been a fighter. She has undergone I think nakadalawang 6-session na chemotherapy yan. She’s thinking about us. She’s even asking kelan sya gagaling. Lakas ng fighting spirit nyan. Sobra, sabi nya lalabas pa kami. Pupunta sa SM para mag-shopping.

 

Sobrang namimiss ko na nanay ko. Yung malakas sya. Yung malakas at nakakabinging pagsasalita at tawa, ung parang OA. Wala na kasi syang boses eh. Hirap na syang magsalita. Hindi na rin sya nakakatulog ng maayos. Ni hindi na nya mailapat ang likod nya sa kama para humiga. Sumasakit kasi left arm nya na may cancer at kung hihiga sya eh di sya makahinga sa sakit. Hindi na sya makakain. Kahit paborito nya ang ulam naming tulad ng nilaga o anything na may chicken eh di yan makikipag-unahan para kumain. Magrerequest lang yan ng coke o softdrinks kapag nakita nyang umiinom kami. Liquid lang kasi kaya nyang lunukin. Para daw kasing may nakabara sa lalamunan nya.

 

Pero ang totoo eh meron na daw tubig sa baga ng nanay ko. Kaya more or less malapit lapit na sya. Ayaw kong banggitin ang salita kasi masakit para sa king malaman yun kahit kelangan naming tanggapin. Ginagawa na nga naming lahat ng makakaya namin. Kinakapalan ang mukha para mangutang. Salat na salat na kami sa pagtustos ng mga maintenance ni nanay kasi gusto naming syang lumakas at makapiling pa ng mahaba haba. Gusto ko pa syang lumakas at least makita nya ang una nyang apo. Mahirap mangarap pero totoo at least un lang. o kaya patapusin nya muna si Ben. Para Makita nya ung bunso nya eh grumaduate na ng kolehiyo.

 

Pero ang iba eh hindi yata maintindihan ang aming kalagayan ngaun. Kahit wag na kami isipin, kahit ang nanay ko na lang. Sana makita nila paghihirap nya. At wag sanang maranasan nila ang aming sitwasyon ngaun na tuyo at itlog na lang lagi ang kinakain minsan.

 

Nasa ospital nga pala sya ngaun. Naka-oxygen. Kahit meron na syang oxygen eh di pa rin sya makahinga. Ganun ang lagay nya. Kung sinuman ang makasaba ng blog kong ito, pag-pray nyo sana siya. At maraming salamat. Mahal na mahal namin ang aming nanay. Sobra.

 

Ngunit kahit ano pa man, ang nasa taas pa rin ang bossing. Sya pa rin ang bahala. His will be done.

 

We love you nanay! Pagaling ka, kaya mo yan!

 

 

------------

Sana mabasa pa nya ito.

 

 

 


Feeling: hopeful


July 27th, 2007

Waning Moon Spell To Clear Blocks
POSTED AT 09:59 AM

When the moon is waning, take a bowl of earth or compost and a handful of dried up leaves or flowers. Think of anything which is blocking you and stopping you getting on with some area of life. Be careful not to include people, and to state to yourself that your spell doesn’t harm anyone or remove something which you need or care about. The idea is to work on your own blocks (such things as depression, lack of confidence or tiredness) rather than another person.

 Crumble the dead flowers or leaves into the bowl of earth, imagining, as you do so, that you are letting go of the things which are holding you back.

 When the new moon comes, plant seeds in the compost, or sprinkle it on the garden to help fresh growth.


« Newer | »
 User


skypearl

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Tagboard
your name:

url:

your message:

 My Links